HINIKAYAT | DILG, hinimok ang mga punong barangay na pumili ng karapat-dapat na lider sa election ng Liga ng mga Barangay

Manila, Philippines – Kaugnay ng nalalapit na Liga ng mga Barangay Election sa Hulyo 30, umapela si DILG OIC Secretary Eduardo Año sa mga punong barangay na iboto ang isang natatangi at reform-oriented candidate para maging lider ng Liga.

Aniya, dapat maging maingat ang mga ito sa pagpili ng kanilang magiging lider na kayang dalhin ang responsibilidad na pamunuan ang organisasyon at mapanatiling malinis ang rekord.

Payo pa ng DILG chief, hindi sila dapat magpasilaw sa ano manghalaga, o dahil sa kagusguhan ng mga lokal na opisyal o sa simpleng popularidad lamang ng isang kandidato.


Kailangang pasok din ito sa criteria ng DILG na isang tunay na matino, mahusay at maaasahan na lider.

Base sa direktiba,may inilatag nang timeline ang Dilg para sa Liga ng Barangay election-related activities simula noong lunes hanggang sa araw ng eleksyon aa Hulyo 30.

Facebook Comments