Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na makilahok sa kanilang mobile phone survey tungkol sa Non-Communicable Diseases (NCD).
Ito ay matapos ilunsad ng DOH ang NCD mobile phone survey project na layong mabigyan ng kaalaman ang mga Pilipino kung paano nila mapapanatili ang kanilang maayos na kalusugan.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, makakatanggap ang isang indibidwal ng text o link sa website para sa survey.
Ang survey ay mayroong mga tanong tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa tobacco at alcohol use, diet, blood pressure, diabetes, at demographics.
Maaring sagutin ang mga tanon sa wikang Filipino o Ingles.
Base sa World Health Organization (WHO) – Western Pacific Regional Office, maraming Filipino adults ang exposed sa risks ng Non-Communicable Diseases dahil sa paninigarilyo, pag-inom ng alcoholic drinks, unhealthy diets, at kawalan ng ehersisyo.