Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng pag-aaraal kung ligtas na inumin ang lambanog matapos ang sunud-sunod na kaso ng mga nasawi dahil rito.
Ayon kay Secretary Francisco Duque III, dapat tiyaking may FDA approval ang lambanog na iinumin.
Ang lambanog ay isang Philippine wine na gawa sa sabaw ng niyog.
Mababatid na ilang nasawi sa Novaliches, Quezon City at Laguna matapos uminom ng umano ay kontaminadong lambanog.
Sabi ni Duque, posible ang alcohol poisoning kapag masyadong mataas ang alcohol content ng isang inumin.
Batay sa Philippine National Standard, ang minimum alcohol content ng lambanog ay nasa 30 percent na mas mataas sa lima hanggang pitong porsyento ng alcohol content ng mga beer.