HINIKAYAT | DTI, hinimok ang publiko na mamili na ng ihahanda para sa Pasko

Manila, Philippines – Hinikayat ng isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na magsimula nang mamili para sa mga ihahanda sa darating na Pasko dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Pero paglilinaw ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman kailangang mag-hoard o mamili nang labis.

Sa halip, bumili lang aniya nang paunti-unti at sasapat para sa mga handaan sa Pasko at Bagong Taon.


Ipinapayo rin ang pagtingin nang mabuti sa expiration date ng bibilhing produkto.

Gayunmanm, muli namang tiniyak ng DTI na hindi agad-agad ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil nananatiling nakapako ang presyo hanggang Nobyembre.

Facebook Comments