Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na maghinay-hinay sa mga kilos nito sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng mga ulat na binalaan ng China ang Philippine Military Aircraft na lumipad sa pinagtatalunang rehiyon.
Ayon kay Duterte, ang right of innocent passage ng mga barko at eroplano ay dapat igalang.
Aniya, walang sinuman ang maaring magtayo ng artificial islands sa international waters at angkinin ang himpapawid.
Pero nilinaw ng Pangulo na hindi siya nakikipag-away sa China.
Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na idudulog niya sa China ang isyu sa West Philippines Sea bago matapos ang kanyang termino.
Facebook Comments