Manila, Philippines – Hinikayat ni Assistant Majority Leader Ron Salo ang gobyerno na palakasin ang export sector ng bansa.
Ang panawagan ay kasunod na rin ng triple whammy na kinakaharap ng bansa ang pagbaba ng exports, pagtaas ng imports at pagbaba ng halaga ng piso.
Giit ni Salo, para makabawi ang bansa ay dapat na palakasin ang export markets ng Pilipinas sa mga bansang Africa, Korea, Eastern Europe, Soviet republics, UAE, Bahrain, at sa Caribbean.
Ang mga bansang ito aniya ang pangunahing exports frontiers ng Pilipinas.
Dapat din aniyang humanap pa ng iba pang export markets at magfocus sa mga export products na nasa top 11 hanggang 30.
Hinimok din ni Salo na palakasin ang special abilities ng mga Pilipino pagdating sa software development, animation, financial services, legal services, health informatics, at engineering dahil patok ngayon sa mga fastest growing economies ang mga ganitong field of expertise.