HINIKAYAT | Fr. Robert Reyes hinimok na ipagdasal si Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Hinimok ni running Priest ang taongbayan na patuloy na ipagdasal si Senator Antonio Trillanes IV upang hindi panghinaan umano ng loob ang senador na ipagpatuloy ang kanyang paninindigan tungkol sa panggigipit ng gobyerno sa kanya.

Ayon kay Fr. Reyes lantaran na aniyang political harassment ang ginagawa ni Pangulong Duterte laban kay Trillanes kung saan inaasahan na umano na isusunod na naman ang lahat ng mga tumutuligsa sa Pangulo.

Napapanahon na aniyang magkaisa ang lahat ng mga oposisyon at lahat ng mga kritiko ng Pangulo upang isiwalat ang lahat ng mga kabulukan sa pamahalaan.


Paliwanag ni Fr. Reyes, hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago sa gobyerno hanggat nanatili si Pangulong Duterte sa panggigipit sa lahat ng mga kritiko nito.

Facebook Comments