HINIKAYAT | Grupo ng scuba divers, nanawagan na sinupin ang mga kalat ngayong Undas

Habang nakasuot ng Halloween costumes sumisid sa ilalim ng dagat ang mga scuba divers sa pier uno dive resort sa Mabini Batangas.

Ito ay para ipanawagan sa publiko na sinupin ang kanilang mga kalat ngayong Undas tulad ng single used plastic.

Kung maaalala, taon taon tone-toneladang basura ang nakukuha sa mga sementeryo, bus terminal pasyalan at iba pang pampublikong lugar tuwing Undas.


Ang nasabing mga basura ay nakakarating sa karagatan tulad sa Manila Bay kung saan apektado ang paglaki at pagpaparami ng marine life matapos masira ang kanilang tahanan.

Nito lamang sumisid sa ilalim ng dagat ang volunteer network na dirty hands scuba divers at nakakuha ng sako-sakong basura na inanod sa dagat.

Kasabay nito, nagtulong-tulong sa paglalagay ng artificial reef ang nasa 60 scuba divers sa Batangas kung saan kalaunan ay tutubuan ito ng mga corals.

Facebook Comments