HINIKAYAT | GSIS, hinimok ang mga miyembro nito na bayaran na ang mga past due loan accounts

Manila, Philippines – Hinihimok ng Government Service and Insurance System (GSIS) ang mga miyembro nito na bayaran ang mga past due loan accounts nito hanggang Setyembre 30 para maiwasan ang karagdagang penalty charges.

Payo ni GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas sa mga miyembro ng pension fund, mag-avail ng enhanced conso-loan plus program na magwe-waive ng lahat ng penalty at surcharges sa kasalukuyang salary loan accounts kabilang ang additional interest.

Ang pagbabayad aniya ng loan ay tiyak na maa-avail ang iba pang GSIS benefits.


Kara ni-restructure ang salary loan accounts sa pamamagitan ng enhanced conso-loan plus, maiiwasan ang pagkain ng loan balance sa retirement pay.

Ang mga GSIS members na bigong magbayad ng kanilang amortization para sa higit anim na buwan, magiging default ang kanilang loan accounts.

Simula sa Oktubre a-uno, ititigil na ng GSIS ang waiver ng penalties at surcharges.

Facebook Comments