HINIKAYAT | Lahat ng religious at civic group sa bansa, dapat magkaisa at tumulong sa mga mahihirap

Manila, Philippines – Hinikayat ng Palasyo ng Malacañang ang lahat ng religious groups, local government units, civic groups at iba pang organisasyon sa bansa na magkaisa at magsagawa ng charity programs.
Ito ang sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa kanyang pakikiisa sa ikalawang World Wide Walk to fight poverty ng Iglesia Ni Cristo kahapon.
Sinabi ni Go, mahalagang magtulungan ang maraming grupo sa buong bansa para mas marami pa sa ating mga mahihirap na kababayan ang matutulungan ng mga ito.
Inihayag din ni Go na nakabibilib ang pagkakaisa ng mga taga INC sa mga ganitong aktibidad na naglalayong makatulong sa kapwa.
Umaasa naman si Go na magiging inspirasyon ang INC ng iba pang grupo para magkaisa at tumulong sa mga mas nangangailangan.

Facebook Comments