HINIKAYAT | LP sa Kamara, hinimok si CGMA na huwag pumayag na maging minorya ang kampo ni dating Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Hinikayat ng ilang Liberal Party member sa Kongreso si House Speaker Gloria Arroyo na huwag pumayag sa gusto ng kampo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na sila ang magiging minorya sa Kamara.

Kasunod ito ng pakikipagusap at hiling ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na siya na ang gawing leader Minority Group sa Mababang Kapulungan.

Giit ni Caloocan Rep. Edgar Erice, isang malaking kalokohan ang magiging sitwasyon dahil ang lider ng Kamara at ang mga namumuno sa minorya ay mula sa iisang partido na PDP-LABAN.


Sinabi ni Erice na saang bahagi ng mundo makakakita na ang majority at minority leaders ay nasa iisang political party.

Panawagan ni Erice kay CGMA, bilang isang veteran parliamentarian at dating Pangulo ng bansa ay responsibilidad nitong protektahan ang tunay na mga nasa oposisyon dahil kung hindi ay matutulad lamang ang sitwasyon sa napatalsik na si dating Speaker Alvarez.

Facebook Comments