HINIKAYAT | Malacañang, pinasusuko na si Peter Lim

Manila, Philippines – Hinimok ng MalacaƱang ang negosyante at pinaghihinalaang drug lord na si Peter Lim na sumuko na sa mga otoridad.

Ito ay matapos hindi ito mahagilap ng mga pulis sa Cebu City na magsisilbi ng kaniyang warrant of arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court sa kasong conspiracy at pagsangkot sa drug trade.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat sumuko na lamang si Lim sa mga otoridad dahil mahuhuli at mahuhuli rin naman sya ng mga ito.


Ginagarantiya naman aniya ng gobyerno na bibigyan ng pagkakataon si Lim na maidepensa ang sarili sa korte.

Sabi ni Roque wala pa silang impormasyon na natatangap na nakalalabas na ng bansa si Lim o kung saan ito nagtatago.

Facebook Comments