HINIKAYAT | Mga “bully” sa eskwelahan, pwedeng isumbong sa police assistance desks

Manila, Philippines – Hinikayat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang sinuman na magsumbong sa ilalagay na mga Police Assistance Desk sa mga eskwelahan kung may reklamo sa mga estudyante na nambu-bully ng kapwa estudyante.

Ang panawagang ito ay ginawa ni PNP chief PDG Oscar Albayalde kaugnay ng napipintong pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Siniguro ng PNP Chief na ang mga pulis na magmamando sa mga police assistance desks sa mga paaralan ay nationwide para tulungan ang mga mag-aaral, guro At magulang sa anumang police-matter, kasama na ang “bullying”.


Aniya minimum na dalawang pulis na magma mando ng nga police assistance desks na itatayo sa mga paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Sisimulan aniyang ideploy Ang mga pulis na ito dalawa o tatlong araw bago magsimula ang pasukan.

Facebook Comments