Manila, Philippines – Hinihikayat ni Tourism Secretary Wanda Teo ang
publiko ngayong lenten season na bigyang prayoridad ang pagbisita sa mga
faith-based tourist destinations dito sa bansa.
Ayon sa kalihim, target nila ngayong taon na iprayoridad ang pagpo- promote
sa mga faith tourism destinations at mga festivals na nagpapakilala sa
mayamang kultura at tradisyon ng bansa.
Isang halimbawa aniya ang Dipolog City sa Western Visayas na tuwing sasapit
ang Good Friday, ay isinasagawa nila ang Katkat Sakripisyo, kung saan
binubuo ng mga mamamanata ang 3,003 hakbang hanggang makarating sa 14 na
stations of cross.
Para naman sa mga mananatili sa Metro Manila, sa Maundy Thursday at Good
Friday, pinapayuhan ng kalihim ang publiko na magtungo sa Intramuros para
sa Visita Iglesia at Senakulo.