Israel – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante sa Israel na hindi sila dapat matakot na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Sa pagharap ng Pangulo sa business forum sa King Davids Hotel sa Israel ay sinabi ng Pangulo na poprotektahan ng pamahalaan ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas na siguradong magiging prudoktibo.
Sinabi ni Pangulong Duterte na makakaasa ang mga negosyante na walang mararanasan ang mga ito na katiwalaian o anomang uri ng panghaharas sa Pilipinas.
Pero sakli man aniyang mayroong maranasan ay bukas naman ang kanyang pintuan para isumbong ang mga ito.
Sinabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas at ito ang pinakamagandang panahon na mag-invest sa Pilipinas dahil sa patuloy at mabilis na paglago ng ekonomiya.
Ibinida ni Lopez ang build, build, build program ng pamahalaan na siyang magpapabilis pa ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Samantala ilang memorandum of agreement, memorandum of understanding at letter of intent naman ang nalagdaan kanina sa business forum na dinaluhan ni Pangulong Duterte.