Manila, Philippines – Pinayuhan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga katolikong kabataan at kanyang archdiocese na mahalin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila ng pagmumura, pagbabanta at pagpapahiya nito sa pananampalataya.
Ayon kay Villegas, narinig at napakinggan ng mga kabataan ang pag-atake ng Pangulo sa paniniwala ng mga kristyano.
Aniya, inalisputa rin ang ‘istorya ng paglikha’ at ininsulto ang Diyos.
Pero sabi ni Villegas, piliing mahalin si Duterte pero manatili ring ipaglaban ang pananampalataya.
Sabi pa ng Arsobispo na naging biktima ng mapait na nakaraan at nakaranas ng ‘rejection’ ang Pangulo kaya ito naghahayag ng matinding galit.
Nanawagan din si Villegas sa mga kabataan na ipagdasal ang kagalingan at kapatawaran ng Diyos sa Pangulo.