HINIKAYAT | Mga lokal na opisyal, hinimok na makipagtulungan sa DILG kapag nakatatanggap ng death threats

Manila, Philippines – Hinimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga lokal na opisyal na makipagtulungan sa mga otoridad oras na makatanggap sila ng banta sa kanilang buhay.

Ito ay kasunod na rin ng pagkamatay nina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Año, nakahanda ang PNP na tumulong sa pag-aanalisa ng death threats para malaman kung totoo ba ito o hindi.


Paglilinaw naman ni Año, hindi nakipag-ugnayan sa pulisya si Halili sa kabila ng mga natatanggap nitong death threats.

Habang hindi naman aniya kabilang sa narcolist si Bote.

Facebook Comments