Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga resort owner sa Boracay na tanggalin ang kanilang mga empleyado ay ipatupad na lamang ang”no work, no pay” scheme o kaya gamitin ang forced leave sa pamamagitan ng kanilang leave credits.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III binalaan ng kalihim ang mga negosyante na huwag tanggalin o lay off ang kanilang mga manggagawa habang nakasara ang Boracay simula April 26.
Paliwanag ng kalihim sa kabila ng mga puna na walang kongkretong plano sa naturang isla ay itutuloy pa rin ang pagsasara alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte kahit na bilyong piso ang nawawalang pondo ng gobyerno dahil sa naturang implementasyon.
Nilinaw ni Bello na bagamat 17 libong manggagawa ang maaapektuhan sa closure order pero limang libong mga informal sector workers at mga miyembro ng indigenous communities ang kanilang kukunin para magtrabaho at maglinis sa naturang isla.