Manila, Philippines – Kasabay nang paggunita sa Araw ng Kalayaan, hinikayat ni Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde ang mga pulis sa kanilang hanay na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pag iwas sa katiwalian.
Sa harap ito ng kaliwat kanang operasyon kung saan nasasangkot sa iligal na droga, extortion at carnapping ang mga pulis.
Pinakahuli nga dito ay ang pagkakasawi ni Senior Inspector Raymond Hortezuela na nalaban sa Counter Intelligence Task Force sa buy-bust operation sa Mandaue City.
Sinabi ni General Albayalde dapat na mas maramdaman ng mga pulis pagiging makabayan at malasakit sa kapwa at ang pinakamabisang paraan aniya para maipakita ito ay ang pagiging malinis at pagpatupad ng tapat sa kanilang sinumpaang trabaho.
Paalala pa ni Albayalde sa kanyang mga kabaro na sila ay katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan at tagapagsulong din ng kaunlaran sa bayan.
Giit pa ng hepe ng opisyal, ‘to serve and protect’ ang motto ng PNP kaya dapat sila ang mangalaga sa mga tao at hindi dapat masangkot sa anumang mga krimen.
Ngayong alas 8:00 ng umaga ay pangungunahan ni Genaral Albayalde ang simultaneous flag raising sa lahat ng kampo ng pulis sa buong bansa.