HINIKAYAT | MVP, hinimok ang SBP na tutukan ang 3 major international basketball tournaments

Manila, Philippines – Nais ngayon ni Manny V. Pangilinan na simulan nang paghandaan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang tatlong major international basketball tournaments na lalahukan ng bansa.

Ito ay matapos magpasya ang SBP na huwag nang magpadala ng basketball team sa Asian games sa Indonesia.

Ayon kay MVP, dapat nang umpisahan ng SBP ang paghahanda sa nasabing mga paligsahan, kabilang na ang pag-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup kung saan umaasa siyang ang mabubuong team ay kayang tapatan ang malalakas na players ng ibang bansa.


Bukod dito, kailangan na din daw pagtuunan ng pansin ang paglahok ng bansa sa 2019 FIBA World Cup sa China at sa 2020 Tokyo Olympics.

Facebook Comments