Manila, Philippines – Hinimok ng Malacañang si National Anti-Poverty Commission o NAPC Secretary Liza Masa na sumuko na sa mga otoridad.
Ito ay kasunod ng inilabas na warrant of arrest ni Nueva Ecija Palayan City Regional Trial Court Branch 40 Judge Evelyn Atienza Turla laban kay Maza at tatlo pang dating mambabatas mula sa Makabayan bloc.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, makabubuti kung lumutang at sumuko na lang si Maza at patunayan sa korte na inosente siya sa krimen.
Kasabay nito, itinanggi ni Roque na may kinalaman sila sa ipinalabas na arrest warrant.
Paglilinaw rin ni Roque na nanatiling miyembro ng gabinete si Masa at inaasahan nilang igagalang nito ang naging desisyon ng korte.
Gayunman, handa naman aniya nilang tulungan si Maza kung dudulog ito sa kanila.
Samantala, kinumpirma ng opisina ni Maza na naka-special leave ito simula nitong Lunes.