HINIKAYAT | Obispo, nanawagang ipagdasal ang kapakanan ng mga Pilipinong dinukot sa karagatang sakop ng Nigeria

Manila, Philippines – Hinihikayat ni Bishop Roperto Santos, CBCP’s Commission on Migrants and Intinerant People ang mga pari at ministro, maging ‘yung mga nasa ibang bansa na magalay ng misa at panalangin para sa kaligtasan ng pitong Pilipino na kasamang dinukot ng mga pirata sa karagatang sakop ng Nigeria.

Hinihikayat rin ng obispo ang mga mananampalataya na makiisa sa panalangin para sa kaligtasan ng mga dinukot.

Matatandaan, nitong Sabado kabilang ang pitong Pilipino sa 12 crewmen ng Swiss merchant vessel na MV Glarus, ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa karagatang sakop ng Nigeria.


Ang ilan sa mga dinukot ay mula sa mga bansang Slovania, Ukraine, Romania, Croatia at Bosnia.

Una nang sinabi ng DFA, na nakikipagugnayan na sila sa Nigeria at Switzerland, para sa karagdagan pang impormasyon ng mga Pilipino.

Facebook Comments