HINIKAYAT | Pagsabatas ng BOL, dapat gawing inspirasyon ng rebeldeng komunista – DILG

Manila, Philippines – Hinimok ni DILG OIC Secretary Eduardo Año ang CPP-NPA na gawing inspirasyon ang magandang resulta sa peace talks sa pagitan ng Moro rebels at nang pamahalaan.

Tiwala si Año na malulutas pa rin ang communist insurgency sa bansa kung ibalik ang pagtitiwala ng rebeldeng komunista sa gobyerno.

Aniya ang pagpasa sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ay isang patunay na ang administrasyon ay sinsero sa paglutas sa anumang hidwaan para makamtan ang tunay na kapayapaan at kaunlaran na ang magbenepisyo nito ay ang sambayanang Pilipino.


Pagtiyak pa ng DILG Chief, hindi pa sumusuko ang pamahalaan sa pagkumbensi at planong pakikipag-usap sa grupo ng CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments