HINIKAYAT | Pamunuan ng Komisyon ng Wikang Filipino hinimok ang publiko na dapat madalas gamitin ang Wikang Filipino

Manila, Philippines – Hinikayat ng pamunuan ng Komisyon ng Wikang Filipino ang mga mamamayan na huwag maging mahigpit sa paggamit ng Wikang Filipino.

Ayon kay KWF president Virgilio Almario dapat ay lambutan ang pamamalasakit sa Wikang Filipino.

Paliwanag pa ni Almario dapat maging bukas sa mga pangyayari dahil ang wika ay nagbabago, umunlad at sumusulong at may mga bagong salita na sumisibol.


Pero kung Ingles naman aniya ang sisibol na termino ay hindi ito maaaring ituring na Tagalog.

Binigyang pansin din ni Almario ang mahalagang papel ng media sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino.

Giit ni Dr. Almario malaki ang maitutulong ng mga mamamahayag sa pagtataguyod ng Wikang Filipino kaya sa halip na gamitin sa tsismisan sa himpapawid at mga babasahin ay dapat gamitin ang Wikang Filipino sa seryosong talakayan at matataas na uri ng diskurso.

Facebook Comments