HINIKAYAT | Planong pagpapalawig sa Martial Law, dapat ipaalam agad ng palasyo sa kongreso

Manila, Philippines – Hinikayat ngayon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Malakanyang na magdesisyon na kung nais nitong palawigin ang umiiral na Martial Law sa buong Mindanao na magtatapos sa December 31, 2018.

Paliwanag ni Zubiri, masikip na ang schedule ng Senado dahil sa limitadong panahon para mabusisi ang panukalang 2019 national budget.

Ayon kay Zubiri, sa oras na magpahayag ang malakanyang ng nais na pagpapalawig sa martial law ay kakailanganing magsagawa ng joint session ang mataas at mababang kapulungan.


Diin pa ni Zubiri , dapat ding magkaroon muna ng presentation sa kanila ang palasyo at ang security officials para bigyang-katwiran ang posibleng hirit na pagpapalawig sa batas-militar.

Ayon kay Zubiri, sa budget deliberation para sa pondo ng armed forces of the Philippines at Philippine National Police at iba Pang kinauukulang ahensya ay hihilingin niya na magsagawa na rin ang mga ito ng presenatation kaugnay sa Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments