Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang Commission on Human Rights (CHR) na tumulong para masolusyonan ang mga sumisikip na kulungan bunsod ng pagdami ng mga inmates lalo na sa Metro Manila.
Aminado si PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – limitado ang kanilang pondo para ayusin at palawakin ang mga detention facilities lalo at ang kanilang budget ay hindi rin sapat para makabili ng mga bagong armas, sasakyan, communication equipment at iba pa.
Aniya, mabilis ang pagkalat ng sakit sa mga masisikip na kulungan na nagreresulta ng kamatayan ng ilang inmates.
Nabatid na dumami ang mga bilang ng mga nakukulong na suspek dahil sa agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Facebook Comments