HINIKAYAT | PNP, hinimok ang concerned govt agencies na tumulong na sugpuin ang rice hoarders sa bansa

Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa kanila na supilin ang operasyon ng mga rice hoarder at cartel sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson, Chief Superintendent Benigno Durana, mapapabagsak ang mga illegal rice traders kung magsasanib-pwersa ang pulisya, government agencies at maging ng komunidad.

Malaki rin aniya ang papel ng community intelligence sa kontra sa mga rice hoarder at cartel.


Nanawagan din ng PNP sa publiko na isumbong sa pulis ang anumang impormasyon para mapuksa ang illegal rice trading.

Facebook Comments