HINIKAYAT | PNP makabubuting tumulong sa raid at inspeksyon ng warehouse ng bigas sa halip na pagdiskitahan ang mga tambay

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senador Francis Kiko Pangilinan ang Philippine National Police o PNP na huwag lang sa mga tambay ibuhos ang buong atensyon.

Mungkahi ni Pangilinan sa PNP, tumulong din sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsasagawa ng mga raid at inspeksyon sa mga warehouse ng bigas.

Ayon kay Pangilinan, ito ay para matiyak na mahuhuli agad ang sinumang magsasamantala at ilegal na mag-iimbak o magre-repack ng murang bigas.


Ang pahayag ni Pangilinan, ay sa harap ng distribusyon sa merkado ng murang bigas na inangkat ng National Food Authority o NFA.

Babala ni Pangilinan, dapat maging maagap sa pagkilos ang mga otoridad dahil anumang ilegal na hakbang o manipulasyon ng rice stocks ay tiyak magreresulta na naman sa problema sa suplay at mataas na presyo ng bigas.

Facebook Comments