HINIKAYAT | POPCOM, hinimok ang mga kalalakihan na sumailalim sa vasectomy

Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Population (POPCOM) ang mga kalalakihan na sumailalim sa vasectomy o pagpapatali at pagseselyo sa daluyan ng semilya.

Ito ay upang maresolba ang tumataas na bilang ng populasyon sa bansa.

Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez, bukod sa vasectomy, may ibang family planning services ang maaring ma-avail ng mga lalaki.


Target aniya nila na umabot sa 10% ng kabuhuang contraceptives ay galing sa vasectomy at tubal ligation naman para sa mga babae.

Sabi pa ni Perez, nakapaglaan ang POPCOM ng limang milyong piso para makapagbigay ng 2,000 libreng vasectomy at 30,000 tubal ligation.

Nakikipagtulungan ang POPCOM sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa posiblidad na pagbibigay ng leave incentives sa mga nais mag-avail ng family planning services.

Facebook Comments