HINIKAYAT | PRRD, hinimok ang publiko na tularan ang sakripisyo ng dating Sen. Benigno “Ninoy”Aquino

Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na kilalanin at gayahin ang ipinamalas na sakripisyo at pagiging makabayan ni dating Senador Ninoy Aquino.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sinabi ni Pangulong Duterte na dapat na magsilbing gabay ng mga kasalukuyang lider si Aquino.

Ayon sa Pangulo – dapat isaalang-alang ng mga namumuno ang kapakanan ng mga naaapi at mga naiiwanang sektor ng lipunan.


Sinabi pa ng Pangulo na nangangailangan ngayon ang Pilipinas ng mga kagaya ni Aquino para makamit ang inaasam na tagumpay at komportableng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Samantala, sinimulan na ang iba’t-ibang aktibidad ngayong araw sa paggunita ng Ninoy Aquino Day.

Kabilang dito ang pag-alay ng bulaklak sa Ninoy Aquino Granite Marker sa departure curve sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Pasay City.

Maliban sa wreath laying ceremony, magkakaroon din ng misa sa kanyang puntod sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Facebook Comments