HINIKAYAT | Publiko hinimok ng Malacañang na makipagtulungan sa gobyerno sa paglaban sa iligal na droga

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na pagmamahal sa pera ang dahilan kung bakit patuloy ang operasyon ng iligal na droga sa buong bansa.

Kaya naman sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi titigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong sa anti-illegal drug campaign upang tuldukan ang operasyon ng iligal na droga at iligtas ang hinaharap sa hindi magandang epekto nito.

Bukod aniya sa iligal na droga ay ipagpapatuloy din ni Pangulong Duterte ang paglaban sa kriminalidad sa bansa at sa katunayan aniya ay magkakaroon ngayon ng radikal na pagbabago ang istilo ng implementasyon ng mga programa para sa public security and order.


Umapela din naman si Go sa publiko na patuloy na suportahan si Pangulong Duterte sa pagsusulong sa paglaban sa iligal na droga at sa krimenalidad dahil ito naman aniya ay para sa hinaharap ng bansa at ng ating mga kababayan.

Facebook Comments