Manila, Philippines – Hinimok ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang mga magulang at komunidad na tiyakin ang kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng regular na pagbabakuna.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga batang hindi nagpapapakuha kasunod ng isyu ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Ayon sa UNICEF, napakahalaga ang pagbabapakuna para makaiwas sa sakit.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), tanging 80 percent lang ng mga bata ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna laban sa tigdas habang 47 percent lamang ang nakatanggap ng pangalawang dose.
Kasabay nito, tiniyak ng UNICEF na nakikipagtulungan na sila sa Department of Health (DOH) para mapalakas ang immunization program sa bansa.
Kabilang sa kanilang tinututukan ay ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, paglikha ng ordinansya at health committees at iba pa.