
Manila, Philippines – Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang Kamara na ipasa ang kanilang bersyon ng panukalang isaayos ang land transport at roll-on/roll-off (RORO) terminals sa bansa.
Ito ay matapos lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang senate bill 1749 o ‘act to improve land transportation terminals, stations, stops, resto areas and roro terminals’.
Ayon Sen. Poe – nagawa na ng Senado ang tungkulin nito at umaasa silang maaprubahan din ito sa kamara na layong mapagaan at maging komportable ang biyahe ng mga pasahero.
Sa bersyon ng Senado sa panukala, inaatasan ang lahat ng transportation at roro terminals sa buong bansa na magkaroon ng malinis at maayos na restroom facilities at libreng internet access.










