HINIKAYAT | Senador Antonio Trillanes, hinimok ang mga sundalo na sumunod sa Konstitusyon

54

Hinikayat ni Senador Antonio Trillanes IV ang mga kasapi ng AFP na tumalima sa isinasaad sa Saligang Batas at huwag magpaapekto sa politika.

Ang pahayag ni Trillanes kasunod sa mga alingasngas sa AFP na mayroon umanong ilang mga sundalo na hindi nila alam kung susundin ang maling kautusan ng kanilang mga matataas na opisyal.

Paliwanag ng Senador bagama’t mayroon ilang mga sundalo na hindi alam ang gagawin ay pinayuhan nito na sundin lamang kung ano ang legal at tamang pamamaraan na naaayon sa batas.

Giit ni Trillanes buo pa naman at mataas ang Moral ng mga kasapi ng AFP dahil tumatalima ang mga ito sa ating Saligang Batas.

Facebook Comments