HINIKAYAT | Social media, pinapagamit na paraan para masugpo ang iligal na droga sa bansa

Manila, Philippines – Hinimok ni Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na gamitin ang social media para sa pagpapakalat ng impormasyon sa kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay Barbers, maaaring gamiting “tool” ang social media sa pagpapakalat ng tamang impormasyon para iwasan ng mga kabataan ang ipinagbabawal na gamot.

Aniya, mas mabilis, convenient at economical kung gagamitin ang social media sa kampanya laban sa illegal drugs dahil mas malawak ang access ng mga Pilipino sa internet.


Hindi aniya mahirap na maabot ang mga netizens para mabigyan ng tamang impormasyon sa epekto ng droga lalo at ang Pilipinas ay nangunguna sa buong mundo sa paggamit ng social media noong 2017 kung saan umabot sa 67 million ang internet users ng bansa.

Partikular na pinagagamit ang mga interactive platforms sa information dissemination laban sa iligal na droga tulad ng Facebook, Instagram at Twitter kung saan ito na halos ang pinagkukunan ng impormasyon lalo na ng mga millennials na nasa edad 16 hanggang 30 taong gulang.

Maliban dito, magagamit din ito para matukoy ng mga otoridad ang mga indibidwal na humahadlang o kumokontra sa kampanya sa pamamagitan ng mga ipinapakitang asal ng isang tao laban sa kampanya kontra iligal na droga sa social media.

Facebook Comments