Manila, Philippines – Kasabay ng nalalapit ng halalan hinimok ng National Youth Commission ang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan na huwag lang puro pa liga at beauty contest ang gawing proyekto sakaling manalo.
Ayon kay NYC Officer-In-Charge Ronald Cardena, dapat nang matuldukan ang traditional SK at dapat ay maging reformed na ito.
Dapat maging aktibo aniya ang SK sa pagtulong sa Local Goverment Unit (LGU) at huwag magpa-petiks petiks lang.
Magkaroon din dapat na programa ang mga SK sa disaster response nang sa gayon kapag nagkaroon ng kalamidad kagaya ng baha, lindol at sunog ay makakatulong sila.
Dagdag pa niya, dapat din lumahok sa anti-drug campaign ang mga kabataan at maging mapagbantay sa peace and order sa mga komunidad.
Ipinanukala rin ni Cardena sumailalim sa leadership training ang mga mananalong SK bago umupo sa pwesto upang mas maging epektibo.