HINIKAYAT | Publiko, dapat agad ipagbigay alam sakaling makaranas ng pang-aabuso mula sa mga naglilingkod sa Simbahan

Manila, Philippines – Kasunod ng mga eskandalong kinasasangkutan ng Simbahan sa kasalukuyan, tulad na lamang ng di umano ay pang aabuso ng ilang pari,

Hinihikayat ngayon ni Novaliches Bishop Antonio Tobias ang publiko na huwag nang antayin pang lumipas ang maraming taon bago ipagbigay alam sa mga kinauukulan.

Inihalimbawa ng Obispo ang pinakahuling eskandalong lumutang, kung saan mga menor de edad ang di umano ay nakaranas ng sekswal na pangaabuso mula sa isang pari. Ngunit, lumabas lamang ang issue na ito, ilang dekada na ang nakalipas mula nang yumao ang inaakusahang pari.


Ayon kay Bishop Tobias, huwag na aniyang hintayin pa na yumao ang mga pari bago ireklamo,

Mas dapat aniyang pagusapan ang mga issueng ibinabato sa Simbahan habang maaga pa, upang ma-address at matalakay ang mga ito, nang maunawaan at mapagpaliwanag ang magkabilang panig.

Facebook Comments