HINILING | Constitutional Consultative Committee, gustong makipagpulong sa NEDA at DOF

Manila, Philippines – hiniling ngayon ng ilang Miyembro ng Consultative Committee na makipagpulong sa National Economic Development Authority o NEDA at sa Department of Finance para pagusapan ang mga financial issue sa Federalism.

Ito ay dahil iba-iba ang nagiging kalkulasyon ng tatlo sa posibleng gastusin ng Pamahalaan sa pagpapalit ng porma ng Pamahalaan mula sa Unitary patungo sa Federal Form.

Ayon kay Department of Interior and Local Government Spokesman Jonathan Malaya, batay sa kalkulasyon ng NEDA ay aabot sa 243 billion pesos ang kakailanganin ng Pamahalaan para sa transition habang ang Department of Finance naman ay aabot lamang sa 20 bilyong piso ang kailangan para magkaroon ng pagbabago sa porma ng gobyerno.


Sinabi ni Malaya na nagkakaroon ng assumpstion ang NEDA at ang DOF at hindi sila kinokonsulta kaya mas magandang magkaroon ng paguusap para maplantsa ang issue ng pondong gagamitin sa transition.

Facebook Comments