HINILING | Dagdag pondo at kapangyarihan para sa LGUs, isinulong sa Senado

Manila, Philippines – Inihayag ni Committee on Local Government Chairman Senator Sonny Angara, na 11 ang mga panukalang batas na nakahain ngayon sa Senado para mabigyan ng dagdag na pondo at kapangyarihan ang mga Local Government Units o LGUs.

Ginawa ni Angara ang pahayag sa harap ng deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-audit ang mga lokal na pamahalaan para matiyak na nagtatrabaho ito para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Tiniyak ni Angara na habang isinasagawa ang pag-o-audit sa LGUs, ay tinatrabaho naman nila sa Senado ang mga hakbang na titiyak na may sapat na otonomiya, kapangyarihan at pondo ang mga lokal na pamahalaan upang labanan ang paglaganap ng kriminalidad at iligal na droga.


Kasama sa nabanggit na mga panukala ang Senate Bill number 1788 na inihain ni angara na nagtatakda ng mas mataas na Internal revenue allotment o IRA ng mga LGUs na nagmumula sa kinokolektang Value Added Tax ng gobyerno.

Facebook Comments