HINILING | Dating Sen. Bong Revilla, humirit na makalabas ng kulungan

49

Manila, Philippines – Hiniling ni dating Sen. Bong Revilla na makalabas ng PNP custodial center sa Camp Crame para sa kanyang dental check-up.

Sa tatlong pahinang mosyon, hiniling ni Revilla na payagan siyang sumailalilm sa dental check up, oral prophylaxis at flouride treatment sa june 18, 2018 na gagawiin sa Gan Advance Osseointegration Center, sa ground floor ng The Residences, Greenbelt Center.

Kaakibat ng mosyon ang medical certificate na inisyu ni Dr. Steve Mark Gan noong May 31, 2018.

Si Revilla ay una ng pinayagan ng korte noong March 23, 2017 na sumailalim sa implant surgery, post operation check up at ilan pang dental procedure.

Nakakakulong si Revilla dahil sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam case.

Facebook Comments