HINILING | Federalism, dapat na ikonsulta din sa mga taga-oposisyon

Manila, Philippines – Hiniling ni Caloocan City Rep. Edgar Erice kay House Speaker Pantaleon Alvarez na kunsultahin din ang mga taga-oposisyon sa Federalism.

Ito ay matapos magpulong kagabi ang mga lider ng Senado at Kamara para sa uri ng Federalism government na kanilang susundin.

Ayon kay Erice na miyembro ng Magnificent 7 sa Kamara, sa halip na i-bully ang mga kritiko ng Cha-Cha ay dapat hingin din ang kanilang panig ukol dito.


Paliwanag ng kongresista, ang proseso ng kunsultasyon ay epektibong paraan ng consensus building sa ganito kabigat na isyu.

Sinabi pa ni Erice na ang isyu ng separate o joint voting ang dapat na inuunang pagkasunduan ng Senado at Kamara.

Paliwanag ng Kongresista, kahit ano pang mga panukalang amiyenda sa saligang batas ang mapagkasunduan ng mga Senador at Kongresista ay mababalewala lamang ito kung sa huli ay mauuwi pa rin ang dalawang panig sa banggaan sa sistema ng botohan.

Facebook Comments