Manila, Philippines – Sa kabila ng paghihiwalay ng asawa na si Romnick Sarmenta, makikita pa rin ang happiness sa mukha ni Harlene Bautista.
Ayon kay Harlene, mutual decision ang kanilang hiwalayan after ng halos 20 taong pagsasama.
Aminado ang aktres na hindi naman nawawala ang pagmamahal sa asawa, pero nag-iibang level at nag-iiba rin na daw ang direksyon nito ngayon.
Tanging pagkakaibigan na lang daw ang maiaalok niya lalo na siya pa rin naman ang tatay ng kanyang mga anak.
Kaugnay nito ay sinabi rin ni Harlene na bukas siyang magmahal ulit dahil gusto niyang may makatuwang sa buhay.
Ganoon rin naman umano ang hiling niya para kay Romnick, ang makahanap ito ng taong mamahalin.
Facebook Comments