HINILING | LTFRB – ipinag-utos ang paglalagay ng breakdown sa ibinibigay na resibo ng mga TNC

Manila, Philippines – Hiniling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga Transport Network Companies na maglagay ng breakdown sa kanilang mga e-receipt.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada – ito ay upang malaman ng mga pasahero kung saan napupunta ang kanilang binabayaran.

Ibig sabihin nito, kailangan na aniyang ilagay sa resibo ang base fair per kilometer at iba pang charges tulad ng mga permanent charge, price surges, mga promo code at discount sa mga estudyante at PWDs.


Handa naman daw sumunod sa utos na ito ang Grab, pero sana raw ay magkaroon ng technical working group ang lahat ng tnc para mapag-usapan ito.

ipatutupad din ito ng bagong player na auto sa Biyernes kasabay ng pagsisimula ng kanilang operasyon.

Handa ring sumunod sa utos ang Hype, u-Hop at Go lag.

Facebook Comments