MANILA – Nagsimula na ang imbestigasyon ng kamara sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).Sa pagsisimula ng pagdinig, hiniling nina Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mapagkalooban ng immunity from suit ang mga tetestigo.Sinuportahan naman ito ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas kung saan ipinaliwanag niya ang halaga ng immunity.Inaprubahan naman ng House Justice Committee ang mosyon para sa immunity ng mga testigo.Inanunsyo din ni Aguirre na anim lang muna mula sa 30 testigo ang haharap sa pagdinig para mahimay nang husto ang salaysay ng mga resource persons.Kabilang sa anim sina National Bureau of Investigation Deputy Director Rafael Ragos at ang high-profile inmate na si Herbert Colangco.Isa rin sa mga resource persons ang maglalahad ng kaniyang nalalaman hinggil sa pagiging financier umano ni Jaybee Sebastian noong panahon ng pangangampanya ni Senator Leila de Lima sa pagtakbo niya bilang senador.Samantala… Haharap din ngayong araw ay sina Junior Ablen na driver/escort ni Ragos; convicted kidnapper na si Noel Martinez, retired police official Rodolfo Magleo at si Jaime Pacho.
Hiniling Na Immunity From Suit Ng Mga Tetestigo Sa Congressional Inquiry Kaugnay Sa Drug Trade Sa Nbp. Pinagbigyan
Facebook Comments