Manila, Philippines – Hiniling ng isang kongresista na palitan ang polisiya para sa deployment ng mga OFWs.
Ito ay kasunod ng pagbaba sa remittances ng mga OFWs sa Middle East.
Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong, batay sa datus ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 15.3% o 601.8 Million dollars ang ibinaba ng OFW remittances mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Naitala ang pagbaba ng OFW remittances sa mga bansang Saudi Arabia, Kuwait at Israel na dati ay pinagmumulan ng malaking remittances.
Dahil dito, naniniwala ang kongresista na umabot na sa saturation point ang OFW market sa Gitnang Silangan.
Inirekomenda na ni Ong na maghanap na ng ibang mga bansa na mas nangangailangan ng serbisyo ng mga OFWs upang makabawi sa mga nawalang remittances sa bansa.