HINILING | Pondo ng DSWD pension para sa mga senior citizen, pinadadagdagan

Manila, Philippines – Pinadadagdagan ni Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay ang pondo ng pensyon sa ilalim Department of Social Welfare and Development sa 2019 para sa mga senior citizens.

Ang mungkahing ito ng mambabatas ay dahil na rin sa mataas na inflation rate sa bansa na umabot na sa 5.2% at inaasahan pang tataas sa mga susunod na buwan.

Giit ni Aquino-Magsaysay, ang dagdag sa pensyon para sa mga indigent elderlies ang nakikitang paraan para makatulong sa kanilang mga pangangailangan.


Sa 2019 draft budget ng DSWD P23.4 Billion ang pondo para sa pensyon ng nasa 3.8 million na social pension indigent recipients.

Hindi talaga aniya ito sasapat sa libu-libong mga mahihirap na senior citizens na dumaranas ngayon ng epekto ng mataas na inflation rate.

Facebook Comments