HINILING | Sen. Trillanes, humingi na ng kopya ng CCTV footage sa pagkikita nila ni Labor Usec. Jing Paras sa Senado

Manila, Philippines – Sumulat na si Senator Sonny Trillanes IV kay Senate President Tito Sotto para humingi ng kopya ng CCTV Video footage sa pagkikita nila Labor Undersecretary Jing Paras sa Senado noong nakaraang linggo.

Ang isang pahinang sulat ay idinaan pa ni Trillanes kay Atty. Myra Marie Villarica, ang Senate Secretary.

Partikular na hinihingi ni Trillanes ang kopya ng kuha ng Plenary Session sa Session Hall noong hapon ng Mayo 29.


Binanggit ni Trillanes sa sulat na gagamitin niya ang kopya ng CCTV Video footage sa pagsagot niya sa reklamong Grave Threat ni Paras laban sa kanya.

Una nang pinabulaanan ng Senador na pinagbantaan niya si Paras nang magkita sila sa Session Hall bagamat sinabi nito na hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay sa kanya ng dating mambabatas.

Facebook Comments