HINILING | Taas pasahe sa jeep at bus, pinasususpinde ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hiniling ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ang pagpapatupad bukas ng taas pasahe sa mga bus at jeepneys.

Kasunod ng rekomendasyon na ito ay nagpatawag si Abayon ng emergency meeting kasama ang LTFRB at mga opisyal ng Department of Transportation.

Inirekomenda ng kongresista na sundin muna ng LTFRB ang suhestyon ng DOTr na i-review muna ang ginamit na parametric formula para sa fare-hike upang mas maging maayos ang adjustment sa pamasahe ng bus at jeepneys.


Hinikayat din ng kongresista ang LTFRB na ikunsidera ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market na isa sa isinusulong na dahilan ng DOTr para ipatigil muna ang taas ng pamasahe sa mga PUVs.

Pinaglalabas din ng resolusyon ang LTFRB kasunod na rin ng panawagan na suspensyon sa taas pamasahe.

Nauna dito ay inaprubahan ng LTFRB ang petisyon ng mga transport groups na itaas sa P10 mula sa dating P9 ang pamasahe sa jeep, P11 mula sa P10 na taas pamasahe sa ordinary bus habang P13 mula sa P12 na pamasahe naman sa air-conditioned bus.

Facebook Comments