HINILING | TRAIN Law, pinapasuspendi ni Senator Ejecito

Manila, Philippines – Hiniling ni Senator JV Ejercito sa mga economic managers ng gobyerno na suspendehin at i-review ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Kasunod ito ng report na umabot na sa 4.5 percent ang inflation rate o pagtass sa presyo ng bilihin nitong buwan ng Abril.

Ayon kay Ejercito, nakakaalarma ang mabilis na pagtaas ng inflation rate simula ng ipatupad ang TRAIN Law nitong January.


Dismayado si Ejercito, na hindi natupad ang sinabi noon ng Department of Finance at National Economic Development Authority na aabot lang sa 2 to 4 percent ang inflation rate kapag napatupad na ang TRAIN Law.

Nag-aalala si Ejercito para sa mga mahihirap na Pilipino na labis na maaapektuhan ng tumataas na presyo ng bilihin.

Facebook Comments