HINIMOK | ‘Altar of secrets’, dapat basahin ng publiko – PRRD

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga obispo at simbahang Katoliko.

Ginawa ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa ika-85 anibersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinayuhan rin ng Pangulo ang publiko na manalig sa Diyos pero huwag magpaloko sa relihiyon.


Hinikayat rin muli ng Pangulo ang publiko na basahin ang librong altar of secrets na naglalaman ng mga baho ng mga pari.

Dagdag pa ng Pangulo, walang kakayahan ang mga obispo na mapagtanto ang lawak ng problemang kinahaharap ng bansa hinggil sa ilegal na droga.

Aniya, ang pagiging presidente niya ay regalo ng Panginoon kaya bilang ganti bibigyan niya ng regalo ang mga Filipino bago siya bumaba sa pwesto at ito ay gawing drug free ang Pilipinas.

Facebook Comments